December 18, 2024

Home BALITA National

House Speaker Romualdez tinawag na 'pag-asa' pagbalik ni Mary Jane Veloso sa bansa

House Speaker Romualdez tinawag na 'pag-asa' pagbalik ni Mary Jane Veloso sa bansa
Photo courtesy:Martin Romualdez,News 5/Facebook

Naglabas ng opisyal na pahayag si House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng pagbalik ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa bansa nitong Miyerkules, Disyembre 18, 2024.

Matatandaang halos 14 na taong nakulong si Veloso sa Indonesia mula noong 2010 matapos umano siyang mabiktima ng kaniyang illegal recruiters at mahulihan ng ilegal na droga sa airport ng Yogyakarta sa nasabing bansa.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso

Sa isang press statement, binalikan ni Romualdez ang mga naging paghihirap daw ni Veloso sa halos mahigit isang dekadang pagkakakulong sa Indonesia. 

National

Gobyerno, CPP-NPA, walang tigil-putukan sa holiday season<b>—Teodoro</b>

“Today, we open, our hearts and arms as we welcome back Mary Jane Veloso to the Philippines. After enduring a harrowing 14 years in Indonesian prison, her return is a profound relief and a source of immense joy, not only to her family but to all Filipinos who have followed her ordeal with heavy hearts,” ani Romualdez.

Dagdag pa ni Romualdez, nagmimistulang paalala raw ang kuwento ni Veloso tungkol sa panganib at sakripisyong hinaharap ng bawat OFWs. 

“Ang kuwento ni Mary Jane ay isang malinaw na paalala sa atin ng mga panganib at sakripisyong kinakaharap ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang kanilang pagtitiis ay sumisimbolo sa kanilang malalim na pagmamahal at pag-aalay para sa kanilang mga mahal sa buhay,” saad ni Romualdez.

Ibinida rin ni Romualdez na ang tagumpay daw ng pagbalik sa bansa ni Veloso ay tagumpay ng administrasyong Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na patuloy daw na nagsusumikap upang masuportahan daw ang OFWs.

“This long-awaited homecoming was made possible through the determined diplomatic efforts championed by President Ferdinand R. Marcos Jr., reflecting his unwavering resolve to protect our kababayans wherever they are. Under his leadership, our government has reinforced its commitment and created more robust support systems, ensuring that the dignity and safety of our workers are upheld globally,” anang House Speaker.

May mensahe rin ang House Speaker para kay Veloso na siyang inspirasyon at pag-asa raw para sa lahat.

“Kay Mary Jane, ang iyong pagbabalik ay nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa ating lahat. Maligayang pagbabalik sa ating bayan at sa piling ng iyong mga minamahal,” giit ni Romualdez.

Siniguro rin ni Romualdez sa iba pang mga OFW na ang araw ng pagbalik ni Veloso sa Pilipinas mula sa Indonesia kung saan siya nahatulan ng bitay ay palatandaan daw ng pagsusumikap ng pamahalaan na maprotektahan ang bawat Pilipino.

“Sa ating mga OFW saan mang sulok ng mundo, ipinapaalala ng araw na ito ang ating patuloy na pagsisikap na kayo’y protektahan at suportahan. Ang inyong mga sakripisyo ay kinikilala at pinahahalagahan ng buong bayan,” giit ng House Speaker.