January 22, 2025

Home BALITA National

Gobyerno, CPP-NPA, walang tigil-putukan sa holiday season—Teodoro

Gobyerno, CPP-NPA, walang tigil-putukan sa holiday season<b>—Teodoro</b>
Photo couresty: AFP/Facebook, Manila Bulletin file photo

Inanunsyo ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na wala umanong mangyayaring ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines (CPP) at New People's Army (NPA), sa darating na holiday season.

Ayon sa pahayag ni Teodoro nitong Miyerkules, Disyembre 18, 2024, tahasan niyang iginiit na ang pagdedeklara daw ng ceasefire sa nasabing komunistang grupo ay parang pagkakaroon na rin ng tigil-putukan laban sa mga kriminal at terorista.

“Any ceasefire with the CPP-NPA-NDF is a ceasefire against terrorists and criminals. It is a last-ditch measure of a Jurassic group to find relevance in the national political ecosystem,” ani Teodoro.

Kaugnay nito, naunang kumpirmahin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla noong Martes, Disyembre 17, na magpapatuloy pa rin daw ang operasyon ng kanilang tropa laban sa CPP-NPA.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Over the years, the CPP has shown that they are anti-government, anti-development and anti-people, so with this, the AFP will continue with our internal security operations. Rest assured, tuluy-tuloy tayo with all our internal security operations for us to sustain the gains that we have… and we will always be ready for any eventuality,” ani Padilla. 

Samantala, nakatakda namang salubungin ng CPP-NPA ang kanilang ika-56 anibersaryo. Kaugnay nito, naglabas din sila ng pahayag noong Martes na wala raw silang planong magdeklara ng ceasefire sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

“In anticipation of the holidays and the upcoming 56th anniversary of the Communist Party of the Philippines, units of the NPA and local peasant mass organizations in the countryside are busy preparing meetings and small assemblies in order to celebrate past victories, take stock of weaknesses and strengths, and reaffirm their resolve to wage greater struggles in the coming year,” saad ng CPP-NPA.