Nagsagawa ng isang pamaskong pagtitipon ang Palasyo ng Malacañang para sa pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFW), Martes, Disyembre 17.
Sa pangunguna nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos, ang nabanggit na Christmas gathering ay tinawag na "Pamaskong Handog Para sa OFW Family" na isinagawa sa Heroes Hall ng Palasyo.
Ayon sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), inalayan ni PBBM ng certificates of recognition ang ilang OFWs at pinangunahan ang ceremonial turnover ng housing units sa kanila sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.
Katuwang sa nabanggit na pagtitipon ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kaugnay nito, batay pa rin sa PCO, pinasinayaan din ni PBBM ang Bagong Pilipinas One-Stop OFW AKSYON (Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan) Center sa Makati City.