January 23, 2025

Home BALITA National

Pamilya ni Mary Jane Veloso, excited na sa pagbabalik-Pilipinas niya

Pamilya ni Mary Jane Veloso, excited na sa pagbabalik-Pilipinas niya
photo courtesy: PTV, MB file photo

Excited na ang pamilya ni Mary Jane Veloso, partikular kaniyang mga magulang, sa kaniyang pagbabalik-bansa bukas, Miyerkules, Disyembre 18.

Matatandaang kinumpirma ni Indonesian Acting Deputy for Immigration and Corrections Coordination Nyoman Gede Surya Mataram na magbabalik-bansa si Mary Jane matapos ang halos 15 taong pagkakakulong sa Indonesia.

BASAHIN: Mary Jane Veloso, makakabalik na sa PH sa Disyembre 18 – Indonesian official

Sa ulat PTV, sinabi ng mga magulang ni Mary Jane na sina Cesar at Celia Veloso, na masayang-masaya sila sa dahil makakabalik na ng bansa ang kanilang anak. Kasunod nito, patuloy pa rin silang nanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na ibigay na raw nito ang executive clemency para sa anak. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Masayang-masaya kami, 'yong ang mga panawagan nain at hiling namin sa ating pangulo na sana pagdating ni Mary Jane dito sa Pilipinas, ibigay na po niya 'yong clemency para makasama naman namin si Mary Jane. Halos 15 taon namin hindi nakasama si Mary Jane  Sana ipagkaloob na po niya ngayon. Ibigay na po niya na regalo at pamasko sa aming pamilya.

Dagdag pa niya, "Masayang-masaya po kami, pinaghahandaan po talaga namin ang pagsalubong sa kaniya, baka sa airport na kami matulog kakahintay sa kaniya, sabik na sabik na po kami kasi."

Sa pag-transfer ni Veloso sa Pilipinas, mananatili siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Taong 2010 nang arestuhin si Veloso, na ngayon ay 39-anyos, sa Indonesia at sentensiyahan ng parusang kamatayan noong 2015 dahil umano sa pagtatangkang magdala ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia.

Sa kaniyang paglilitis, iginiit ni Veloso na nalinlang lamang daw siya at hindi niya alam na may droga sa loob ng maletang dala-dala niya patungong Indonesia, na mula sa kaniyang recruiter.