December 16, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Walking stick na may GPS at sensor, inimbento ng engineering students

Walking stick na may GPS at sensor, inimbento ng engineering students
Photo courtesy: Harold Aldaba/FB

Isang makabagong walking stick na may GPS, sensor para sa obstacle detection, at bill identifier ang naimbento ng apat na estudyanteng kumukuha ng kursong Computer Engineering mula sa STI College Ortigas-Cainta.

Layunin ng proyektong tulungan ang mga visually impaired, partikular na ang massage therapists, sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Sa panayam ng “24 Oras” ng GMA Network sa segment na “Game Changer” noong Biyernes, Disyembre 13, ipinaliwanag nina Harold Aldaba, John Patrick Mendros, Herault Aguirre, at John Christian Marquez ang inspirasyon sa likod ng kanilang proyekto.

“Nakatira po ako sa Antipolo. Doon po sa bayan marami pong blind massage therapists. So, nainspire po ako sa kanila dahil despite their disability they wanted to work still so ayun yung naging basis nung tungkod namin,” ani Aldaba.

Human-Interest

BALITAnaw: Mga kalimitang exchange gift 'starter pack' tuwing Christmas Party

Ang walking stick ay may tatlong pangunahing features: obstacle detection sensor na nagbibigay ng real-time alert kapag may sagabal sa daraanan; GPS tracker na pwedeng gamitin ng pamilya ng user upang matunton ang kanilang lokasyon; at bill identifier na tumutulong sa user na makilala ang halaga ng pera, maiwasan ang panloloko, at mas mapadali ang transaksyon.

“Lahat ng ginamit naming components for each objective ni-research po namin nang mabuti ‘yan para in the future walang problema yung user,” ayon kay Aguirre.

Nagkaroon ito ng beta testing sa Antipolo, kung saan ibinahagi ng mga massage therapist ang kanilang feedback.

“Nag-beta testing po kami sa may Antipolo, doon po sa mga massage workers…so they were happy about it,” ani Marquez.

Ang proyekto ay patunay ng pagsasama ng teknolohiya at malasakit sa kapwa upang masolusyunan ang mga pangangailangan ng mga may kapansanan.

Mariah Ang