Nabuo na bilang low pressure area (LPA) ang binabantayang kaulapan o cloud cluster sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng umaga, Disyembre 16.
Sa tala ng PAGASA, nabuo bilang LPA ang coud cluster dakong 8:00 ng umaga.
Huli itong namataan 360 kilometro ang layo sa east southeast ng Tagum City, Davao del Norte.
Mababa naman daw ang tsansang mabuo bilang bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 24 oras.
Inabisuhan ng PAGASA ang publikong manatiling nakaantabay sa mga susunod na update kaugnay ng lagay ng panahon.