December 16, 2024

Home BALITA National

4Ps at AICS, dapat pinagtuunan ng pansin kaysa AKAP—Sen. Pimentel

4Ps at AICS, dapat pinagtuunan ng pansin kaysa AKAP<b>—Sen. Pimentel</b>
Photo courtesy: Philippine Institute for Development Studies/website, Koko Pimentel/Facebook

Nanindigan si Senate Minority leader Koko Pimentel na hindi pa raw klaro ang pagpapatupad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at iginiit na dapat daw ay inilaan na lang umano ang pondo nitong ₱26 bilyon para sa dalawang existing programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Sen. Pimentel nitong Lunes, Disyembre 16, 2024 ipinaliwanag niya ang ilang mga dahilan kung bakit may ilang mga senador daw ang hindi pabor sa pagpapatuloy ng AKAP. 

“Mayroon tayong existing program for the poorest of the poor yung tinatawag na (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) 4Ps Program,” anang senador.

Iginiit niya rin na hindi pa raw tapos ang gobyerno na tugunan ang “poorest of the poor” dahil hanggang ngayon ay marami pa rin daw ang hindi nakakasama sa 4Ps program dahil ipit sa waiting list. 

National

Cloud cluster sa loob ng PAR, nabuo na bilang LPA – PAGASA

“Mas matanda na ito na programa, mas documented na ito na programa yet, aminado kahit DSWD o kahit sino na politiko na mayroon waiting list diyan. So there are waiting family on the waiting list, to receive benefits to the 4Ps program meant for the poorest of the poor,” ani Pimentel.

Bagama’t maganda naman daw ang layunin ng AKAP na tugunan ang pangangailangan ng mga “minimum wage earners” iginiit naman ni Pimentel, na hindi raw dapat tinalunan ang existing programs ng DSWD para sa mga mahihirap.

“And then we invent a new program for those employed at the minimum wage level to fill that their income is not enough for them. So, okay yun na pagtugunan ng pansin kung tapos ka na sa poorest of the poor. Hindi eh! You cannot fund the project or the program for the poorest of the poor; and then you want to skip them. Skip them, talunan na natin dito na tayo sa mga empleyo, so there is something fundamentally wrong with that program,” saad ni Pimentel. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano nga ba ang AKAP at sino ang mga benepisyaryo nito?

Dagdag pa ni Pimentel, kung mayroon man daw na sumobra na ₱26 bilyon, inilaan na lang daw dapat ito sa 4PS o hindi naman kaya ay sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). 

“If there's a ₱26 billion extra, dapat ang way of thinking natin na puwede pala nating gastusin- sa poorest of the poor program para yung waiting list ay matulungan na? O idagdag yun sa AICS na tuwing may tatamaan ng krisis sa buhay o kahirapan sa buhay, mayroon tayong pondong itutulong,” saad ni Pimentel. 

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang 2025 national budget bago raw mag-Pasko, matapos itong maisapinal ng bicam committee noong Disyembre 11.