December 15, 2024

Home BALITA National

Rep. Gutierrez, kinatwiranan pagkaltas ng Kongreso sa DepEd budget

Rep. Gutierrez, kinatwiranan pagkaltas ng Kongreso sa DepEd budget
1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez; DepEd (PhotoL House of Representatives via MB/screengrab; DepEd/FB)

Kinatwiranan ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang naging desisyon ng Kongreso na kaltasan ng ₱12 bilyon ang budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2025.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, nagbigay ng reaksyon si Gutierrez sa naging pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara na nakalulungkot daw na binawasan ang budget ng kanilang ahensya, kung saan tila iba raw ang aksyong ito ng Kongreso kumpara sa nakaraang taon na dinadagdagan pa ang pondo para sa edukasyon.

MAKI-BALITA: Sec. Angara, nalungkot sa desisyon ng Kongreso na kaltasan ng ₱12B ang DepEd

“Secretary Angara may argue that education funding is sacrosanct, but Congress cannot keep throwing good money after bad. This is not about depriving education; it’s about ensuring proper fund use and accountability,” ani Gutierrez "Young Guns" bloc in the House of Representatives.

National

1,322 sa 1,992 umano’y recepients ng confi funds ng OVP, walang birth records sa PSA

Binanggit din ng mambabatas na bagama't nakalulungkot umano dahil minana ni Angara ang aniya’y “problema at iskandalo” na iniwan ni Vice President Sara Duterte, kailangan daw kuwentahin muna ang mga hindi nagamit na pondo bago magkaroon ng mga bagong alokasyon.

"While it's unfortunate that Secretary Sonny inherited the problems and scandals left behind by his predecessor, Vice President Sara Duterte, Secretary Angara knows that the law is clear: unused funds must be accounted for before new allocations can be made," giit ni Angara.

“Now that he’s education secretary, he should focus on fixing DepEd’s internal mess instead of crying foul about budget decisions,” saad pa niya.

Si Angara, dating senador, ang iniluklok bilang kalihim ng DepEd matapos magbitiw sa puwesto ni Duterte noong buwan ng Hulyo.

Samantala, noong Disyembre 9 nang isagawa ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang kanilang pinal na pagdinig hinggil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds na ₱612.5 million confidential funds ni Duterte na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at sa DepEd noong siya pa ang kalihim nito.

Sa naturang pagdinig ay isiniwalat ni Committee Chairperson Rep. Joel Chua na 405 sa 677 umano’y benepisyaryo ng confidential funds ng DepEd, panahon kung kailan si Duterte pa ang kalihim, ang walang record of birth sa Philippine Statistics Authority (PSA).

MAKI-BALITA: 405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA