"Matalino na, guwapo pa!"
Usap-usapan ng mga netizen ang Top 1 ng 2024 Bar Examination mula sa Lapu-Lapu City na si Kyle Christian G. Tutor na nakakuha ng 85.770% sa overall rating.
Inanunsyo ng Supreme Court (SC) noong Biyernes, Disyembre 13, na 37.84% o 3,962 aspiring lawyers ang pumasa sa 2024 Bar Examinations.
Si Tutor, ay nagtapos bilang Cum Laude at pangatlo sa kanilang klase sa University of the Philippines (UP) Manila College of Law.
Bukod dito, nakalulula rin ang kaniyang credentials dahil isa siyang recipient UP Law Scholarship Program at Foundation for Liberty & Prosperity Scholar. Siya rin ay nagsilbing Vice Chair ng Philippine Law Journal, Volume 97.
Napansin din ng mga netizen ang "charm at looks" ng nabanggit na abogado, kaya nagbiro ang mga netizen na gusto nilang magpa-tutor sa kaniya.
"Pa-tutor po..."
"Tutor naman pala talaga eh, haha, mag-topnotcher nga yan."
"Hello po puwede po magpa-tutor hahahaha."
"Kung ganiyang katalino at kaguwapo ang mag-tutor, paang gusto ko na rin mag-law school."
"Paki-tutor po ako kung paano magmahal, eme..."
Nakatakda namang ganapin ang oath taking at signing of the Roll of Attorneys sa Manila Hotel sa darating na Agosto 14, 2025.
KAUGNAY NA BALITA: 37.84% examinees, pasado sa 2024 Bar Examinations – SC