December 15, 2024

Home BALITA National

Phivolcs, nakapagtala ng 14 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon

Phivolcs, nakapagtala ng 14 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon
Courtesy: Phivolcs/FB

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 14 volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon sa Negros Island sa nakalipas na 24 oras.

Sa tala ng Phivolcs na inilabas nitong Linggo, Disyembre 15, nagbuga ang Kanlaon ng 3,620 tonelada ng sulfur dioxide noong Sabado, Disyembre 14.

Naitala rin sa namamagang bunganga ng bulkan ang 50 metrong taas na plume (o walang patid na pagsingaw) na napapadpad sa direksyong pakanluran timog-kanluran.

Paalala ng Phivolcs, maaaring maganap ang biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, Pyroclastic Density Current (PDC), rockfall, at pagdaloy ng lahar kung may matinding pag-ulan.

National

Pagbisita ng pamilya kay Mary Jane Veloso, hindi natuloy

Kaya naman, ipinayo ng ahensya ang paglikas ng mga nakapaloob sa anim na kilometrong (6 km) radius mula sa tuktok ng bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng Kanlaon.

Habang isinusulat ito’y nananatili pa rin sa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang status ng Kanlaon.

Matatandaang noong Disyembre 9 nang itaas ng Phivolcs sa alert level 3 ang Bulkang Kanlaon kasunod ng naging pagputok nito.

MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!