January 23, 2025

Home BALITA

PBBM, ginawang pamasko mga nasabat na mackerel para sa mga taga-Baseco

PBBM, ginawang pamasko mga nasabat na mackerel para sa mga taga-Baseco
Photo courtesy: Presidential Communications Office/Facebook

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pamamahagi ng maagang noche buena sa ilang residente sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila noong Sabado, Disyembre 14, 2024.

Nasabat kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) ang tone-toneladang frozen mackerel mula sa kanilang anti-smuggling operation.

Ayon sa ulat ng isang local media outlet, tinatayang nasa ₱178.5 milyon ang halaga ng mga nasabing frozen mackerel na nasakote sa Manila International Container Port (MICP) lulan ng 21 cargo containers.

Samantala, nasa 28,000 kilograms naman ang ipinamahagi nina PBBM sa halos 21,000 pamilya sa Tondo. Kasabay nang maagang Pamasko, ibinida ng Pangulo ang tagumpay raw sa pagkakadiskubre ng mga ilegal na bagay na may kaugnayan sa food security ng bansa. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I hope this is the first of many operations because this is very, very important. We have to control and supervise our food supply. If these crimes continue, we will be unable to do that. That’s why we enacted the law,” ani PBBM.

Giit pa ni PBBM, bagama’t kakaiba raw ang naging pamasko nila, mas mainam daw na isipin na lang daw ng mga residente ng Baseco na nakalibre raw sila ng dalawang kilong mackerel mula sa palengke. 

“Para na kayong namalengke ng isda ngayong araw. Mayroon kayong tig-dalawang kilo, ‘di ba? Tig-dalawang kilo. Naiba po ang pamasko namin. Imbes na hamon at saka mga lechon, isda, tulingan ang aming dala. Para naman yun na nga hindi masayang,” saad ni PBBM.