December 16, 2024

Home BALITA

PBBM, FL Liza pinangunahan 'Konsyerto sa Palasyo;' mga bigating artista, dumalo

PBBM, FL Liza pinangunahan 'Konsyerto sa Palasyo;' mga bigating artista, dumalo
Photo courtesy: Mark Balmores (MB)/Screenshots from RTVM (FB)

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang tila enggrandeng  pagsasama-sama ng mga artista sa "Konsyerto sa Palasyo," Linggo, Disyembre 15, sa Kalayaan Hall Grounds, Malacañang Palace, Maynila.

Ang tema para sa ikalimang installment ay "Para sa Pelikulang Pilipino," na isang pagdiriwang para sa ambag ng pinilakang-tabing sa kultura at sining na humuhubog sa isang lipunan.

Isa sa mga nagbigay ng performance at nangharana sa lahat si Divine Diva Zsa Zsa Padilla.

Naispatan din sa event ang mga bigating artista gaya nina Sharon Cuneta, Christopher De Leon, Boots Anson Roa, Hilda Coronel, Sylvia Sanchez, Maricel Soriano, Enrique Gil, Arjo Atayde, Sue Ramirez, Vice Ganda, at iba pang may pelikulang lahok sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

National

PBBM, reremedyuhan kinaltasang budget ng DepEd – Angara

Samantala, ilang netizens naman ang kumuwestyon sa nabanggit na konsyerto, lalo't ipinagdiinan ni PBBM sa mga tanggapan ng pamahalaan kamakailan na hindi dapat enggrande ang anumang party na may kinalaman sa pagdiriwang ng Pasko. 

"Ay akala ba namin bawal bongga?"

"Puro pagsasaya eh haha."

"Ay ano na naman 'to?"

Wow, may issue ng budget sa PhilHealth at DepEd tapos ganito, magpa-party sila? Bagong Pilipinas!"

"Pulos pa-party ang alam gawin ng administrasyong ito."

“Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ngayong Pasko,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ilang mga netizen naman na tagasuporta ng administrasyon ang nagsabing hindi naman Christmas party ang nabanggit na event kundi para sa pelikulang Pilipino. 

"Hindi naman kasi Christmas party 'yan..."

"Concert lang 'yan!"

"Talagang Ang Ganda Nitong Event Na Ito Kasi Nababalikan natin Yung Mga Pelikula Noonh Unang Panahon Palang Talaga Anb Sarap Maging Pinoy at Maipagmamalaki Ang Pelikulang Filipino Mabuhay Po Kayo."

"Wow pati mga film maker at artist na rerecognize ng ating Pangulo."

"ang ganda ng event! sana next year ulit may ganito! Perfect way to highlight Filipino creativity and talent. salamat sa effort PBBM."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang Palasyo tungkol sa mga negatibong komento patungkol sa konsyerto.