January 23, 2025

Home SHOWBIZ

Maiqui Pineda, bumubuti na ang lagay ng kalusugan

Maiqui Pineda, bumubuti na ang lagay ng kalusugan
Photo Courtesy: Maiqui Pineda (IG)

Nagbigay ng update ang misis ni Kapamilya TV host Robi Domingo na si Maiqui Pineda tungkol sa kasalukuyang lagay ng kaniyang kalusugan.

Sa latest Instagram nitong Linggo, Disyembre 15, sinabi niyang isang maagang pamasko raw na malaman mula sa kaniyang doktor na ang sakit niya nasa “clinical remission” na.

“Clinical remission means that the signs and symptoms of my autoimmune disease are now barely detectable, even if the disease may not be completely cured. In short - I’M OKAY! ” saad ni Maiqui.

“Hearing those words during our trip to Singapore in November brought tears to our eyes, especially when my doctor called me a ‘Christmas miracle.’ ” aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dagdag pa niya, “I’m beyond grateful for this gift and for the prayers and support that helped me keep going. Please know that it made a difference so THANK YOU!”

Sa kasalukuyan, bagama’t marami raw siyang malalaking plano sa 2025, i-enjoy daw muna niya ang holiday season kasama ang mga mahal sa buhay.

Masaya naman ang ilang celebrities sa balitang ito ng mister ni Robi. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

Kakai Bautista: "YEEEEEYYYYYY’nnnnnnnnn "

Ria Atayde: "What a huge win!!! So so happy for you, Maiqs!! a merry Christmas indeed!!"

Vicki Belo: "I’m beyond joyful for this great news maiqui and Robi . Now concentrate on making mini Robi s and maiqui . You two inspired us by showing us what true love looks like . Praise God"

Anne Curits: "Awesome news Happy HAPPY holidays! Marqui and Robi! "

Melai Francisco: "Amen Thank you Thank you Lord"

Bianca Gonzalaez: "Incredible news Maiqui Merry Christmas talaga for you and Robi "

Matatandaang Agosto 2023 nang ibahagi ni Maiqui ang dahilan ng pagkakaratay niya sa ospital sa pamamagitan ng isang Instagram post.

MAKI-BALITA: Fiancée ni Robi Domingo may rare autoimmune disease