January 08, 2025

Home SHOWBIZ

Heaven at Marco, nilanggam sa IG: ‘Amidst all the chaos, you’re my calm’

Heaven at Marco, nilanggam sa IG: ‘Amidst all the chaos, you’re my calm’
(Courtesy: Heaven Paralejo/IG)

Tila nilanggam na nga sa sweetness ang loveteam na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa isang Instagram post.

Sa pictures na ipinost ni Heaven sa IG, makikita ang tila intimate photos kung saan nakahawak siya sa batok ni Marco na nakalapit naman ang mukha sa kaniya.

“Amidst all the chaos, you’re my calm,” mensahe ni Heaven kay Marcos.

“Thank you for not only being by my side but also capturing every moment so beautifully through your lens. Your support, both behind the camera and in life, means everything to me ,” dagdag niya.

ABS-CBN unaware sa inihaing house bill, pero nagpasalamat kay Salceda

Nagkomento naman si Marco sa post ni Heaven ng sweet message din: “You’re the best plot twist I could ever ask for.”

Kinakiligan ito ng netizens na nagbigay ng kanilang reaksiyon sa comment section:

“They are so cute, I love that they support each other... ”

“You guysss... ”

“You’re always making us in love with you, so happy that you find each other back…we love you”

“Such a breath of fresh air to see you both so happy , like young Marco said “ it’s the destiny that is chosen for you.”“Another series of “crying, kicking in the air, rolling in the bed” cause of happiness. we love u both!”

Matatandaang nagkakilala ang loveteam sa Pinoy Big Brother teen edition kung saan nagsimula ang kani-kanilang showbiz career.

Hindi pa rin malinaw sa mga netizen ang real score sa pagitan nilang dalawa, kahit obvious na ang kanilang ipinakikitang sweetness sa social media, lalo na ang sweet na pagbati ni Marco kay Heaven sa birthday nito noong Nobyembre.