January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chito may mensahe kay Neri sa 10th anniversary nila, may pa-wedding vow

Chito may mensahe kay Neri sa 10th anniversary nila, may pa-wedding vow
Photo courtesy: Chito Miranda (FB)

May makabagbag-damdaming mensahe si "Parokya ni Edgar" lead vocalist Chito Miranda sa kaniyang kontrobersiyal na misis na si Neri Naig-Miranda, para sa kanilang isang dekadang pagiging mag-asawa.

Mababasa sa social media post ni Chito ang kaniyang pagmamahal sa asawa, na mas lalo raw tumindi sa kasalukuyan.

"After 10yrs of being married, masasabi ko talaga na mas mahal pa kita ngayon kesa nung una tayong nagmahalan.

Sobrang nagpapasalamat ako kay God dahil bliness Nya ako with someone as wonderful and as loving and as sweet as you.," aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon pa kay Chito, sobrang suwerte ng mga anak nila na si Neri ang kanilang ina.

"You are living proof that one can go through hell and back and still choose to be kind.

Sobrang blessed ng mga anak natin to have you as their mom, and sobrang swerte ako to have you in my life, and I have never been happier."

Sa bandang dulo ng mensahe ay sinambit ni Chito ang palasak na vow kapag ikinakasal.

"I will always take care of you, protect you, and will always love you hanggang tumanda tayo."

"I will always be with you, through thick and thin, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

"Happy Anniversary, Ms.Neri."

"I love you very very much."

Matatandaang kamakailan lamang ay nalagay sa kontrobersiya si Neri matapos masakote ng kapulisan dahil sa kasong 14 counts of violation ng securities regulations at syndicated estafa.

MAKI-BALITA: Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda inaresto?

MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'

Kamakailan ay inaprubahan ang motion to quash ng kanilang kampo tungkol sa arrest warrant laban sa kaniya at pagbasa ng sakdal kaya pansamantala siyang nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.

MAKI-BALITA: Neri Naig, pinalaya ng korte —lawyer