January 17, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Remastered ‘Jose Rizal’ movie, eere na sa Netflix sa Rizal Day

Remastered ‘Jose Rizal’ movie, eere na sa Netflix sa Rizal Day
(Courtesy: GMA Pictures/YouTube screengrab)

Mapapanood na sa giant streaming platform Netflix ang remastered version ng 1998 classic film na “Jose Rizal” sa Disyembre 30 o Rizal Day.

Makikita sa Netflix na kabilang na sa “Coming Soon” section nito ang pelikula.

Tinatalakay ng 3-hour film ang buhay ng bayaning si Dr. Jose Rizal na ginampanan ng aktor na si Cesar Montano.

Sa direksyon ni National Artists of the Philippines for Film and Broadcast Arts Marilou Diaz-Abaya, itinuring ang “Jose Rizal” bilang most-awarded film sa ginanap na 1998 Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan sa 18 sumatotal na awards ay 17 ang nasungkit nito.

Pelikula

‘Bayaniverse is back!’ Produksyon ng historical film 'Quezon,' sisimulan na sa Marso

Isinulat ang pelikula ni National Artists of the Philippines for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, Jun Lana at Peter Ong Lim.

Tuwing Disyembre 30 ginugunita ang Rizal Day dahil ito ang araw kung kailan pinaslang si Rizal sa Bagumbayan na ngayo’y kilala bilang Luneta o Rizal Park.