January 22, 2025

Home BALITA

Presyo ng produktong petrolyo, muling sisipa isang linggo bago mag-Pasko!

Presyo ng produktong petrolyo, muling sisipa isang linggo bago mag-Pasko!
Photo courtesy: Pexels

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) ang muling pag-arangkada ng presyo ng krudo at petrolyo sa susunod na linggo bago tuluyang sumapit ang Pasko.

Ayon sa ulat ng GMA News nitong Sabado, Disyembre 14, 2024, malaki raw ang kinalaman ng international tradings sa pagsipa ng presyo ng gasolina.

Narito ang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina at diesel habang may rollback naman ang kerosene: 

Gasoline - ₱0.45 per liter

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Diesel - ₱0.40 per liter

Kerosene - ₱0.30 per liter

Ipinaliwanag ni OIMB director Rodela Romero ang ilang international energy demand na nakakaapekto raw sa maraming bansa katulad ng Pilipinas.

“[There was] a brief price surge, quickly eclipsed by concerns over China’s weak demand," saad ni Romero.

Samantala, ayon naman kay Leo Bellas, presidente ng Jetti Petroleum, malaki raw ang impluwensya ng China sa pagkakaroon ng paggalaw ng presyo sa international tradings. 

“Prices also found support on China’s vow to ramp up policy stimulus as this could boost demand" ani Bellas.