Naglabas ng pahayag ang isang beauty clinic sa Pilipinas kaugnay sa paggamit nila ng mga larawan ng mga Thai influencer nang walang permiso.
Sa TikTok video ng isang Thai influencer na may pangalang “reviewariwa,” binalaan niya ang mga Pilipino tungkol sa nasabing bagay.
Ayon pa sa kaniya, ”They also edited our photo to look worse. Like, seriously? This is a big lie to their customer, right? The clinic should be really honest with people.”
Kaya naman sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Huwebes, Disyembre 12, inilahad ng Jolie Clinic ang kanilang panig.
“We sincerely apologize for any discomfort this may have caused. This unfortunate situation arose due to a media team member unintentionally using an image without proper consent,” saad nila.
Dagdag pa ng beauty clinic, “We have taken swift action by removing all unauthorized material from our platforms, and the staff member responsible has been unemployed.”
Tiniyak ng Jolie Clinic sa publiko na hindi umano nila sinasadya ang nangyari at patuloy din silang magbibigay ng mapagkakatiwalaan at epektibong beauty solutions para sa kanilang customer.
“Please know that our team is here for you. Feel free to reach out with any questions or concerns. Together, let’s continue this journey toward beauty and confidence,” pahabol pa nila.