December 18, 2024

Home BALITA Eleksyon

Higit 68K PDLs, makakaboto sa 2025 NLE

Higit 68K PDLs, makakaboto sa 2025 NLE
(MB file photo)

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes, Disyembre 13, na mahigit 68,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang inaasahang makakaboto para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, nasa 68,448 PDLs ang nagparehistro upang makaboto sa halalan sa susunod na taon.

Sa naturang bilang, 993 bilanggo lamang ang eeskortan sa labas upang bumoto sa kani-kanilang polling precinct habang ang karamihan sa PDLs ay boboto naman sa mismong pasilidad kung saan sila nakapiit.

“Mas marami yung PDLs na doon mismo sa kanilang facility boboto kesa sa escorted voters,” pahayag pa ni Ferolino.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Sa kaniyang panig, sinabi naman ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang PDLs ay pinahihintulutan ng Korte Suprema na makaboto hanggat wala pang pinal na hatol ang hukuman, anuman ang kasong kinakaharap nito.

“Regardless ng  nature of crime, kahit light offense, medium o tinatawag na crimes punishable by life imprisonment, kahit pa heinous ang classification, ay entitled makaboto hanggang walang final judgement of conviction,” paliwanag pa ni Garcia. 

Nitong Huwebes, una nang lumagda ng memorandum of agreement (MOA) ang Comelec, Bureau of Corrections (BuCor), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Public Attorney’s Office (PAO) kaugnay nang nalalapit na halalan.