January 23, 2025

Home BALITA National

37.84% examinees, pasado sa 2024 Bar Examinations – SC

37.84% examinees, pasado sa 2024 Bar Examinations – SC
Supreme Court (MB file photo)

Inanunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Biyernes, Disyembre 13, na 37.84% o 3,962 aspiring lawyers ang pumasa sa 2024 Bar Examinations.

Ayon sa SC, kinilala si Kyle Christian G. Tutor mula sa University of the Philippines (UP) bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 85.77% grade.

Sinundan naman siya ng Top 2 na si Maria Christina S. Aniceto mula sa Ateneo de Manila University na may 85.54% score, at Top 3 na si Gerald C. Roxas mula sa Angeles University Foundation School of Law na nakakuha naman ng 84.355% score.

Kasama rin sa Top 10 sina John Philippe E. Chua mula UP (84.28%), Jet Ryan P. Nicolas mula UP (84.265%), Maria Lovelyn Joyce S. Quebrar mula UP (84.06%), Kyle Andrew P. Isaguirre mula Ateneo (83.905%), Joji S. Macadine mula University of Mindanao (83.745%), Gregorio Jose S. Torres II mula Western Mindanao State University (83.59%), at Raya B. Villacorta mula San Beda University (83.47%).

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Isinagawa ang Bar exams noong Setyembre 8, 11, at 15, 2024.

Nakatakda namang ganapin ang oath taking at signing of the Roll of Attorneys sa darating na Enero 24, 2025.

Pagbati, Bar passers!