May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Rufa Mae sa kabila ng mga kinahaharap na intriga: 'Kaya pa!'

Rufa Mae sa kabila ng mga kinahaharap na intriga: 'Kaya pa!'
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (IG)

Bumaha ng suporta mula sa mga kapwa celebrity at netizen para kay Kapuso comedy actress Rufa Mae Quinto na nahaharap ngayon sa dalawang eskandalo at intriga.

Nag-post si Rufa Mae ng kaniyang mga larawan na may simpleng caption na "Kaya pa "

Komento rito ng misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla, "Kayang kaya… IKAW PA BA!"

Sey naman ng komedyanteng si Jerald Napoles, "Kayang kaya friend!! Miss u!"

Pati ang mga netizen ay nag-iwan din ng encouraging words para sa komedyana.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Gogogo kaya mo yan!"

"Kaya yan Ms Ruffa Mae. Goo Goo Gooooooo"

"Stay beautiful and blessed! "

"Laban!!!"

"Yessssss!!!! stay that way. Marami kami na napapasmile mo. Go go go."

Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita si Rufa Mae matapos masangkot sa kontrobersiyal na "investment scam" patungkol sa isang skincare company, na naging dahilan kung bakit hinuli ng mga awtoridad ang "wais na misis" na si Neri Naig-Miranda.

Ayon naman sa legal counsel ni Rufa Mae, haharapin daw ito ng aktres at lilinisin ang kaniyang pangalan.

MAKI-BALITA: Rufa, nagsalita na; itinanggi ang kasong ibinibintang sa kaniya

Sunod naman, kumalat din ang screenshots daw na isiniwalat ng kaniyang mister na si Trevor Magallanes, kung saan sinasabing hiwalay na raw sila.

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto, in-expose ng non-showbiz husband?

Samantala, hindi naman nag-react o nagkomento si Rufa Mae tungkol sa mga encouraging words na sinabi sa kaniya ng mga kapwa celebrity at netizens sa comment section ng kaniyang post.