Muling pinatunayan ni Priscilla Meirelles, misis ng aktor na si John Estrada, na kayang-kaya pa niyang umeksena sa beauty pageantry matapos niyang magwagi bilang Noble Queen Nations 2024.
Ibinahagi ni Priscilla ang kaniyang mga larawan habang may suit na korona at sash, sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Disyembre 11.
"I am so touched and honored to be crowned Noble Queen Nations 2024," saad ni Priscilla sa kaniyang post.
"Thanks to this amazing organization @noblequeenuniverseofficial for supporting and celebrating women through their accomplishments, big or small."
"Let’s aspire to inspire one another, to support and celebrate women as the queens they are, because real queens fix each other's crowns," aniya.
Baka pa man ito, si Priscilla ay nakilala at nagwagi sa iba't ibang pageants gaya ng Miss Globe International 2003 at Miss Earth 2004.
Pinasok na rin niya ang mundo ng pag-arte sa telebisyon at pagho-host.