Nilinaw ng showbiz insider at TV host na si Ogie Diaz ang nauna niyang na-post patungkol sa movie poster ng "And The Breadwinner Is..." na wala rito ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings, na isa sa cast members.
Sa nauna niyang post, ipinakita niya na wala si Anthony sa poster ngunit naroon si Maris, nang i-anunsyo ng Star Cinema na rated parental guidance (PG) ang pelikula.
Matapos ang 16 na minuto ay biglang nawala ang kaniyang post.
Hapon ng Huwebes, Disyembre 12, ipinaliwanag ni Ogie ang dahilan kung bakit naka-"Only Me" na lamang ang kaniyang post patungkol sa kawalan ng presensya ni Anthony sa movie poster.
"Hello po! Tinanggal ko po kahapon ang post ko bilang binago na po ang poster. Ibinalik na ang buong cast ng 'And The Breadwinner Is…'" saad ni Ogie sa kaniyang Facebook post.
"Ayon nga kay Mico Del Rosario ng ABS-CBN Production, pamilya Salvador or Family Salvador kasi itong poster at si Maris Racal ay kapatid ni Vice samantalang hindi naman din kapatid si Anthony Jennings, kaya wala sa poster. Kung nilagyan sa ilalim ng 'Kami ang Pamilya Salvador,' palagay nyo, hindi yon maiintindihan ng mga titingin sa poster?"
"Saan ba nanggagaling ang mga pagtataka ng mga tao? Di ba, sa poster ng mediacon kung saan wala sina Maris at Jennings because of the issue? And obviously, understood dahil absent talaga ang dalawa. Maging sa riverbanks show sa Marikina, wala din yung dalawa sa poster and aware ang mga tao na wala nga ang dalawa ngayong araw, Thurs, 1pm. (Kaya watch nyo.)
Siyempre, ang mga tao, nagbe-base sa naunang buong cast poster nung wala pang issue sina Maris at Jennings."
"Hindi lang naman po ako ang nagtaka — marami. Kung ako lang mag-isa ang nag-iilusyon ng opinyon eh di magso-sorry ako."
"But even Mico, na-realize na mag-iiba nga naman ang narrative ng mga tao sa poster na wala si Jennings, kaya agad nilang pinalitan ang poster, pero kasama na ang buong cast this time."
"Kaya nag-decide ako na alisin ang post ko. Napahiya daw ako kaya ko tinanggal ang post ko. Hindi po. Naka-only me lang. Kasi nga, naayos na, di ba?"
"At the end of the day, alam nating lahat na nandun sa movie ang dalawa. Kaya panoorin nyo para makita nyo yung sinasabi ni Meme Vice Ganda na ito ang pinakamaganda niyang pelikula," giit pa ng showbiz insider-TV host.