Nagpaabot ng pagbati si Concert King Martin Nievera kay The Voice USA Season 26 Winner Sofronio Vasquez matapos niyang manalo sa nabanggit na kompetisyon.
Si Sofronio, na dating finalist sa "Tawag ng Tanghalan" sa noontime show na "It's Showtime," ay kauna-unahang Pilipino at Asyanong nagwagi sa nabanggit na singing competition sa telebisyon, mula sa koponan ni Michael Buble.
Sa kaniyang Facebook post ay ibinahagi ni Sofronio ang larawan nila ng kaniyang coach, na halatang masayang-masaya para sa kaniya.
"WE WON THE VOICE " ani Sofronio sa kaniyang caption.
Mababasa naman ang komento rito ng Concert King.
"You did it! I knew you would! Congratulations and thank you for bringing us all with you into the winners circle! Now the best is yet to come!" anang Martin.
Hindi pa sigurado kung kailan uuwi ng Pilipinas si Sofronio at kung sa aling TV shows siya makakapag-guest.