Nagsilang na ang "StarStruck" contestant at "Pinoy Big Brother" ex-housemate na si Jesi Corcuera, ng isang baby girl!
Ang panganganak ni Jesi na isang transman ay kinumpirma mismo ni Asia's King of Talk Boy Abunda sa kaniyang showbiz talk show na "Fast Talk with Boy Abunda."
Ibinahagi naman ni Jesi sa kaniyang Instagram stories ang larawan niya karga ang anak.

Matatandaang noong Oktubre 5 ay ibinahagi ni Jesi ang kaniyang pagbubuntis, na ang ina ay isang surrogate mother.
"Sa lahat ng gagawan ko ng caption, ito na yata yung pinakanahirapan ako," aniya.
"Alam ko mahihirapan din kayong intindihin kung paano ito nangyari."
"2018 nung simulan kong planuhing magkaroon ng anak. Pero that time, maraming struggles, lalo na financially and hindi rin naman biro ang gastos sa unang plano kong mag-IVF."
"Hanggang sa bumalik sa buhay ko si Cams pati ang mga bata. Naisip kong parang sign na yata ito ni Lord sakin. Baka ito yung warm-up Niya para sakin kung paano ako magiging magulang soon. Sa pagtayo ko bilang tatay ng mga anak ni Cams, maraming naging realizations. Isa na dun yung baka may chance pa pala akong magkaroon ng sarili kong anak."
"Fast forward ngayong taon, di ko in-expect na mabubuo siya through my last option na ako ang magdadala pero sobrang thankful ako na pinagkaloob ito ng Diyos sa akin."
"Hindi naging madali ang prosesong ito para sa akin kaya sana hindi niyo rin ganun kadaling husgahan kung anong nakikita niyo ngayon."
"Simple lang naman ang gusto ko, yung magkaroon ng matatawag kong sariling akin. Alam kong may mga anak akong inako kay Cams at walang mababago dun sa pagdating ni 'Ninja' (nickname ng baby ko Hahaha). Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, malaki ang naging parte ng mga bata at ni Cams sa kung ano ako ngayon."
"Samahan niyo kami sa bagong journey ng buhay kong ito. At sana kapulutan ng aral at inspirasyon ng marami. " aniya pa.
MAKI-BALITA: Ex-PBB housemate at transman Jesi Corcuera, buntis!
MAKI-BALITA: Jesi Corcuera, nagbahagi ng pregnancy journey, foreigner daw ang donor?