May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Buking ni Doc Ferds: Kilalang vlogger, ayaw magbayad sa treatment ng aso kaya inabandona

Buking ni Doc Ferds: Kilalang vlogger, ayaw magbayad sa treatment ng aso kaya inabandona
Photo courtesy: Doc Ferds Recio (FB)

Palaisipan sa mga netizen kung sinong "well-known vlogger" ang nagpagamot sa beterinaryo at "Born To Be Wild" host na si Doc Ferds Recio, na tumangging magbayad sa confinement fee at iba pang treatment sa kaniyang alagang aso, kaya iniwan na lamang ito.

Ani Recio sa kaniyang pa-blind item noong Martes, Disyembre 10, 15k daw ang babayaran sana ng di-binanggit na vlogger para sa treatment ng blood parasitism ng aso, subalit tumanggi raw ito at inabandona na lamang ito.

"A well-known vlogger refused to pay the P15,000 confinement fees for treating this sweet dog’s blood parasitism and abandoned him completely," saad ng doktor sa kaniyang Facebook post

Subalit mabuti na lamang daw at may bago nang nag-aaruga ngayon sa aso.

"Fortunately, someone else stepped in and gave him a loving home, where he’s now thriving," aniya.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Sa comment section, ilan sa mga celebrity at netizens ang nang-urirat sa beterinaryo kung sino ang tinutukoy niyang vlogger. Hindi naman nag-iwan ng clue ang celebrity doctor kung sino ang vlogger na ito.