Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang performance ni Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo sa musical noontime show na "ASAP" noong Linggo, Disyembre 8, matapos kantahin ang awiting "Goodluck, Babe!" ni Chappell Roan.
Minsan lang mag-appear si Sarah sa ASAP na matagal na panahon siyang naging mainstay host, pero agad namang pinag-usapan ang kaniyang pasabog na performance.
Puring-puri ng Popsters, tawag sa fans ni Sarah, ang walang kupas na pag-awit ng kanilang lodi, at hindi na raw talaga makukuwestyon ang singer-actress pagdating sa kaniyang craft.
Pero ang ilang mga netizen, hindi nagustuhan ang pagpalit ni Sarah sa isang bahagi ng lyrics kung saan pinalitan niya ng salitang "boy" ang dapat sana ay "girl."
Tila nabago raw kasi ang "queer theme relationship" ng nabanggit na kanta.
"so she changed the lyrics from 'you can kiss a hundred girls in bars' to 'you can kiss a hundred boys in bars.'"
"she cant even be bisexual for 3 minutes"
"'you can kiss a hundred girls in bars' imagine taking a song about a lesbian struggle and making it about some guy who doesn't like you back ohhh straight girls are going to hell"
"the ONLY thing I didn't like about sarah geronimo's rendition of good luck babe is that they made it straight. it just defeats the whole purpose of the song and goes to show that ang heternormative parin ang mindset and views ng pinas, especially in the media."
"Bat kasi binago pa. Straight ako pero gstong gusto ko yang kanta na yan. Ganda kaya no need to change the lyrics."
Sa kabilang banda, may mga netizen din ang nagtanggol kay Sarah at sinabing walang masama sa ginawa niya.
"Ayan na nmn ang pa woke… dti pa ngcchange ng genders sa song wala nmn issue pero eto na nmn tong generation na lging my issues sa buhay complain agad…"
"Ang hirap na i-please ng mga tao ngayon. Yong napakasimpleng bagay ginagawang big deal. Yong gustong maging perfect sa lahat ng bagay pero mga sarili nila di maiayos. Haaaay.."
"Pag kanta about lgbt dapat exclusive lang for them at bawal baguhin ang pronoun. Ironic how they are asking for inclusivity."
"Jusko lahat na lang. Not all people are gay. So she wants to change the lyrics according to her gender preference, does that make her homophobic? If a member of LGBTQ+ changed a song's lyrics to fit their gender preference, does that make them sexist, too? Too much wokeism."
"Minsan ka na nga lang lalabas sarah napasama pa hehe"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Sarah tungkol dito.