Usap-usapan ang banat ng isang X user laban sa ABS-CBN at noontime show na It's Showtime matapos tanghaling kauna-unahang Pinoy na nanalong winner sa The Voice USA si Sofronio Vasquez.
Matatandaang bago ang The Voice stint ngayong 2024 ay naging finalist muna si Sofronio sa "Tawag ng Tanghalan" ng Showtime noong 2019, at hinirang na third runner-up. Hindi rito natapos ang kaniyang TNT journey, pero this time ay bilang coach naman sa contenders.
Sa anunsyo nga ng pagkapanalo ni Sofronio sa The Voice, sa team ni Michael Buble, ay nagpahatid ng pagbati para sa kaniya ng buong Showtime family, sa pangunguna ng hosts nito.
Isang netizen naman na nagngangalang "Sarcastic Risen" ang nambarda sa Showtime.
Aniya, "Matapos ligwakin sa TNT, @itsShowtimeNa proud na proud sa pagaangkin kay Sofronio Vasquez ngayong nanalo na siya sa The Voice US."
"Komento ng madla, mahusay talaga credit grabbing ang ABSCBN kahit noon pa man. "
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Ang daming magaling na singer sa Pinas. Ano gusto gusto mo, kahit mas may deserving sa kanya sya ipanalo. Kaloka mindset.."
"Among the judges during his stint in that show it was Rey Valera who was only the one proudly noticed Sofronio’s distinctive talent. I would say Rey knew who got the real deal talent then."
"Haha. Sa ABS naman talaga galing si Sofronio. Wala kasi kayong ma flex kaya silent na lang"
"Grabe ka naman anteh, sa Showtime naman talaga nagsimula si Sofronio."
"He was not ignored. If you didn’t know, he is one of the coaches of TNT for the contenders. Kahit hindi siya nanalo sa kompetisyon, kasama pa rin nila si Sofronio sa Showtime. And sobrang close nilang lahat sa TNT."
"There are times when we don’t win because God has a better plan for us. With his improvement, growth, and the experiences he gained during his time in TNT, those are what brought him to where he is now."
"3rd place is not a loss, tsaka deserving si Jex De Castro at John Mark Garcia."
"Hindi nman inaangkin..proud lng syempre galing din TNT. kaw lng nangaangkin.."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng Showtime at ABS-CBN tungkol dito.
MAKI-BALITA: Kilalanin ang Pinoy na si Sofronio Vasquez, The Voice USA Season 26 Winner
MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, wagi sa The Voice USA