January 23, 2025

Home BALITA National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD
Photo courtesy: Sorened Ehya (FB)

Naglabas na ng pahayag ang global fashion and design company na "H&M Philippines" sa Vista Mall, Sta. Rosa, Laguna branch matapos mag-viral ang Facebook post ng isang customer na pinaalis daw ng store manager dahil sa dala-dala nilang stroller na kinalulunan ng kaniyang anak na person with disability (PWD).

Ayon sa Facebook post ng nagngangalang "Sorened Ehya," pinaalis daw sila ng store manager dahil sa malaking stroller na dala-dala nilang mag-asawa sa loob, kung saan naroon ang kanilang anak na blind at deaf.

"Bawal ba talaga sa loob ng store mamili ang mga PWD? National Council on Disability Affairs DTI Philippines

Bibili ko Sana anak ko ng damit Nia But since pilit kami Pinalabas d na kmi nakapamili."

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Galit na Galit kami ng asawa ko imbes mag sorry Un MANAGER Sabi PA wag daw kmi mamili sa store Nila

Kakalungkot Lang may ganito wala empathy sa customer , Sana mabasa at makarating sa pamunuan ng H&M Philippines."

"Tama ba talaga ba bawal ang PWD sa store nio? Imbes mag explain ng ayos aba eh d wag na daw na kmi mamili Tama ba Yan," aniya.

Nakarating naman sa pamunuan ng kompanya ang viral rant post ng customer at agad silang naglabas ng opisyal na public apology tungkol dito, na mababasa sa kanilang official Facebook page

"At H&M we deeply value all our customers and are committed to creating an inclusive and welcoming shopping environment for everyone."

"We are aware of an incident in one of our stores where a misunderstanding occurred involving a customer and their child. Our team approached the customer regarding a large stroller without realizing that it was being used by a child with a disability. We regret any distress this may have caused and are reviewing the situation to ensure we learn from it."

"Our team members are being reminded of our accessibility policies to ensure such incidents do not happen again. We are committed to improving our practices to better serve all our customers," anila.

Wala namang update mula sa customer kung anong legal na hakbang ang balak nilang gawin laban sa kompanya.