Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na bumaba na sa 17 ang nananatiling operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa matapos ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tuluyang ipagbawal ito sa buong bansa.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH
Sa forum na inorganisa ng Stratbase ADR Institute nitong Martes, Disyembre 10, 2024, inihayag ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco na unti-unti na raw nawala ang operasyon ng mga POGO sa bansa.
“From 48, as of November 30, we're down to about 13 and by December 15, it will be zero,” ani Tengco.
Siniguro rin ni Tengco na tuluyan daw mawawala ang operasyon ng mga ito hanggang sa matapos ang 2024.
“You can expect that there will be no more licensed POGOs operating by the end of this year,” anang Pagcor chairman.
Ayon sa ulat ng isang local media, nasa 298 licensed POGO mula noong 2019 habang 298 online gambling naman ang mayroon sa bansa, bago pa maglabas ng bukod na executive order si PBBM na i-ban na rin ang naturang online POGOs.
KAUGNAY NA BALITA: POGO operations sa bansa, ipinatitigil na ni PBBM
Bagama’t nakikita na raw nila ng posibilidad nang pagpuslit pa rin ng mga POGO sa susunod na taon, nanindigan si Tengco na anumang magiging operasyon ng ito ay mananatili raw ilegal sa bansa dahil sa kanselasyon ng kanilang mga lisensya.
“By Jan. 1, 2025, all these operators that will still continue to operate— either elsewhere or in the different provinces—they’re all deemed illegal already, I can declare that by the end of December, all of them will have all their licenses cancelled,” saad ni Tengco.