January 17, 2025

Home BALITA

₱200M jackpot prize ng Ultra Lotto, 'di napanalunan!

₱200M jackpot prize ng Ultra Lotto, 'di napanalunan!
(unsplash)

Walang pinalad na manalo ng mahigit ₱200 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Disyembre 10.

Sa official draw results ng PCSO, walang mananayang nakahula ng winning numbers na 28-09-51-46-43-18 na may premyong ₱204,948,537.60. 

Wala ring nanalo sa ₱40,475,634.80 jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na may winning numbers na 45-32-07-42-36-05. Gayundin sa Lotto 6/42 na may premyong ₱20,261,390.00 na may winning combination na 10-05-33-04-24-29. 

Dahil dito, asahang mas tataas pa ng mga jackpot prize sa susunod na draw.

Probinsya

Tindero ng isda, ninakawan ng halos <b>₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke</b>

Binobola ang Ultra Lotto kada Martes, BIyernes, at Linggo. Ang Super Lotto naman ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang ang Lotto 6/42 ay kada Martes, Huwebes, at Sabado.