“We are not at war, we don't need navy warships.”
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi kinakailangang mag-deploy ang Pilipinas ng Navy warships sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang naging pag-atake ng China kamakailan.
Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Disyembre 10, iginiit ni Marcos na hindi magiging bahagi ang Pilipinas sa pagtaas ng tensyon sa sitwasyon sa WPS.
"We are going to continue to perform our mission. We will never be part of an escalation in the situation in West Philippine Sea. If we look at the evolution of the situation in the West Philippine Sea, the Philippines has never been an agent of escalation of tensions. So we will not do that," ani Marcos.
"We are not at war, we don't need Navy warships. All we are doing is resupplying our fishermen, protecting our territorial rights. Again, it will be provocative and will be seen as an escalation—we don't do that. The Philippines does not escalate tensions. Quite the opposite, the Philippines always tried to bring down the level of tension," saad pa niya.
Matatandaang noong Miyerkules, Disyembre 4, nang iulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na inatake ng tubig ng limang sasakyang pandagat ng China, kabilang na ang tatlo muna sa China Coast Guard (CCG) at dalawa mula sa Navy nito, ang vessels ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.
Pagkatapos nito, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang muling paghahain ng diplomatic protest kontra China.
MAKI-BALITA: ‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS
Ayon sa DFA, nasa 60 diplomatic protests na ang naihain ng Pilipinas laban sa China nito lamang 2024 at 193 mula nang maupo si Marcos sa puwesto ng pagkapangulo noong Hulyo 2022.