December 26, 2024

Home BALITA National

‘Para sa hustisya!’ International humanitarian law victims, nagprotesta sa labas ng SC, DOJ

‘Para sa hustisya!’ International humanitarian law victims, nagprotesta sa labas ng SC, DOJ
(Photo: MJ Salcedo/BALITA)

Kasama ang kanilang mga pamilya at iba pang human rights groups, nagprotesta ang mga biktima ng international humanitarian law (IHL) violations mula Supreme Court (SC) hanggang Department of Justice (DOJ) sa Maynila upang manawagan ng hustisya sa gitna ng paggunita ng International Human Rights Day nitong Martes, Disyembre 10.

Mula sa harap ng gusali ng SC, nagmartsa ang IHL victims mula sa Timog Katagalugan, kanilang mga pamilya, at human rights advocates patungo sa harap ng DOJ sigaw ang kanilang panawagan ng hustisya.

Kasama sa mga binigyang-diin ng protesta ang nangyaring Bloody Sunday Massacre noong 2021, pagpaslang sa labor leader na si Emmanuel “Manny” Asuncion at Mangyan youth na si Jay-El Maligday, ang war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at ang pinalawak umanong aerial bombings sa kanayunan.

Nananawagan ang mga grupo ng pananagutan mula kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa nagpapatuloy umanong “state-sponsored killings” at mga paglabag na may kaugnayan sa “counterinsurgency operations.”

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Sa gitna ng isinagawang pagtitipon, pinangunahan ni Makabayan President Liza Maza ang pagsusumite sa DOJ ng ebidensya ng mga paglabag sa IHL sa ilalim ng administrasyong Duterte at Marcos Jr. mula sa sa Investigate PH report.

“Ang mga krimen na ginawa noong panahon ni dating Presidente Duterte ay kailangan nang panagutan. At the same time, alam namin na nagpapatuloy pa rin ang paglabag sa mga karapatang pantao at ganoon din ang paglabag sa international humanitarian law,” ani Maza sa eksklusibong panayam ng Balita.

“Hindi dapat na nagpapatuloy itong paglabag sa karapatang pantao. May wakas ang lahat,” saad pa niya.