January 23, 2025

Home BALITA

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/Balita

Nanawagan ng hustisya si Louiejie Maligday para sa kapatid niyang si Jay-el Maligday na pinaslang umano ng mga militar noong Abril.

Sa isinagawang kilos-protesta sa harap ng Department of Justice nitong Martes, Disyembre 10, kabilang si Louiejie sa mga nagbigay ng talumpati upang pabulaanang namatay ang kapatid niya sa engkuwentro.

“Pinalabas nilang namatay sa engkuwentro si Jay-el pero hindi po ito totoo. Si Jay-el ay isang mabuting anak, kaibigan, estudyante, at taong-simbahan,” saad ni Louiejie.

“Porke ang kapatid ko ay aktibo para makatulong sa pagpapaunlad ng aming sitio ay paparatangan at kailangang patayin,” wika niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dagdag pa niya, “Hustisya para kay Jay-el Maligday. Palayasin ang militar sa Bulalacao.”

Ayon sa salaysay ni Louiejie, 4:45 umano ng umaga ng Abril 7 nang pasukin daw ng mga pwersa ng militar ang bahay nila sa Sitio Suryawon, Barangay Nasukob, Bulalacao, Oriental Mindoro.

“Sapilitan kaming pinapalabas sa bahay at si Jay-el ay naiwan sa loob. Ilang minuto matapos palabasin ang mga kamag-anak at kapitbahay namin ay nakarinig kami ng putok ng baril sa loob ng bahay,” aniya.

Matatandaang ayon sa lumabas na ulat noong Nobyembre 28, naghain na umano ng reklamo laban sa mga akusadong militar ang pamilya ni Jay-el sa Office of the Ombudsman.

Sa kasalukuyan, si Louiejie ang nagsisilbing tagapagsalita ng “Justice for Jay-el Maligday.”