January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Comedy Queen' title kay Eugene Domingo, umani ng reaksiyon

'Comedy Queen' title kay Eugene Domingo, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Eugene Domingo (IG)

Hindi maitatangging isa ang comedy star-TV host na si Eugene Domingo sa mga aktres na nagbibigay-sigla at saya sa mundo ng komedya at pagpapatawa, sa teatro man, telebisyon, at pelikula.

Kaya hindi kataka-takang sa tagal na rin niya sa showbiz, marami na rin ang mga tagahanga niya, na para sa kanila, siya na ang dapat bansagang "Comedy Queen."

Kagaya na lamang ng isa sa mga tagahanga ni Uge na si "Froilan Jake Obeal," isang propesor, na nagsabing para sa kaniya, si Eugene na raw ang dapat tawaging "Comedy Queen."

"This may be controversial but the title comedy queen should now be given to Ms. Eugene Domingo!" aniya sa kaniyang viral Facebook post, Martes, Disyembre 10.

Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu

Paliwanag ni Froilan, lahat daw ng mga karakter ni Eugene na kaniyang ginampanan ay hindi lamang basta pagpapatawa, kundi may lalim din.

"In film, tv, and stage, she always slays in whatever roles she portrays by giving depth to the character. The acting prowess of Ms. Uge is proof that comedy asks more nuances that make the fiction believable making the genre even more complex."

"Her scene-stealing Rowena in the Ang Tanging Ina franchise, the juxtaposition of Kimmy and Dora in her equally believable portrayal in the Kimmy Dora franchise, the complexities of all her characters in Ang Babae Sa Septic Tank, and the grit she shows in Barber’s Tales, among others prove that she is an undeniable thespian worthy of the 'queen' accolade!"

"Eugene is proof that in an industry obsessed with just 'looks,' nepotism, and love teams, real talent will always standout!"

Marami naman sa mga netizen ang sumang-ayon sa kaniyang naging saloobin.

"SHE IS THE QUEEN OF VERSATILITY! Theater, teleserye, mainstream, indie, commercial, sitcom, musical at hosting! Drama, comedy, romance, may kantahan at horror. As in LAHAT ay kayang gawin ni Idol Eugene Domingo! Mainstream media might project her as a funny actor, pero watch niyo yung mga interview niya as an actor, SHE IS BRILLIANT! NAPAKALALIM AT NAPAKATALINO!"

"Magaling din siya sa Becky and Badette and Here Comes the Bride Yung MomZillas at Wedding Tayo, Wedding Hindi ko lang siya hindi na appreciate hahahah Siguro na udlot yung Queen Title since lumipat siya sa GMA hehehe."

"SUPER YESESES 1 MILLION TIMES MS.EUGENE DOMINGO since tanging ina palang fave, kimmy dora, babaeng nasa septic tank, etc. kahit sa ibang movies na supporting actress lang sya nagiging patok talaga. my fave comedy queen "

"She's an intelligent comedian."

"As in. Truly deserved the title."

"Couldn't agree more!"

"Finally!"

Sa kabilang banda, ilang netizens din ang kumontra dito dahil ang titulong "Comedy Queen" daw ay nakatatak na kay Ai Ai Delas Alas. Oo raw at malaki ang ambag ni Uge sa mundo ng komedya, pero hindi raw ibig sabihing kailangang i-dethrone si Ai Ai.

"There is no question when it comes to her talent. I also admire her but the tittle/monicker COMEDY QUEEN was already given to ms. AI and it would be a dishonor to her. let's not forget ms ai's achievements and contributions to the industry. Its unfair to dethrone her. A diffrent monicker maybe."

"Ang daming issue ng netizens.. Bakit kailangan ipasa ang isang titulo kung meron ng nagmamayari nito? Dahil lang iba political views nyo kay aiai, aalisin na sakanya un title nya?? Hindi din naman deserve ni miss uge na bigyan ng titulo na galing na sa iba.. Pwede namang comedy empress sya or whatever. Ang dami nyong problema sa buhay... Hahaha."

"Ms. Eugene Domingo ay di matatanging isa sa magagaling na artista, but I refuse the title pwede naman bigyan ng title pero iba. Kasama sina Pokwang , Ruffa Mae at Melai. Ms Ai Ai is Philippines Queen of Comedy nakaka disrespect naman if ibibigay sa iba."

"Dagdagan na lang ng key word sa title nya like Theater, Cinema, All Time, All Purpose mga ganyan haha para di ko na maalala si Ai Ai."

"Nope, I beg to differ. A different title must be given to her. Same with Rufa Mae Quinto."

Ang iba naman, sinabing hindi na kailangan ng anumang titulo ni Eugene, bagay na nakapagtataka raw sa maraming mga Pilipino, kung bakit gustong-gustong may titulo ang mga artista.

"Ito mas controversial na take, despite me agreeing sa mga sinabi ni OP: WHY ARE WE SO OBSESSED WITH TITLES LIKE THIS? PHILIPPINE/ASIA'S KING, QUEEN AT KUNG ANEK ANEK lols Ok na yan. Happy na yan si Ms. Uge kung saan/ano man siya ngayon hahaha regardless kung may title man siya o wala, ALAMAT NA YAN! " sey ng isang netizen.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Froilan, nilinaw niyang wala siyang "masamang tinapay" kay Ai Ai o wala siyang intensyong i-disrespect ang aktres na kilala nga sa bansag na "Comedy Concert Queen." Pero, aminado si Froilan na isa siyang masugid na tagahanga ni Uge. Ang kaniyang mga nasabi ay punto at perspektibo lamang niya bilang isang tagahanga ni Eugene.

Si Eugene, ay mapapanood sa dalawang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2025, na may magkaibang genre. 

Kabilang siya sa comedy-drama movie ng nagbabalik-MMFF na si Vice Ganda, ang "And The Breadwinner Is..." sa direksyon ni Jun Robles Lana. 

Ang isa naman, sa horror movie nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Lorna Tolentino na "Espantaho," na idinerehe naman ni Chito Roño.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Eugene at Ai Ai tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.