Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang baybaying sakop ng Tawi-tawi nitong Lunes ng madaling araw, Disyembre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:11 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 413 kilometro ang layo sa timog-silangan ng South Ubian, Tawi-tawi, na may lalim na 25 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.