Pormal nang inanunsyo ng sikat na Original Pilipino Music (OPM) band na Aegis ang public viewing para sa mga labi ng lead vocalist nilang si Mercy Sunot.
Sa kanilang opisyal na Facebook page, ibinahagi ng banda nitong Lunes, Disyembre 9, 2024, ang mga detalye sa burol ni Mercy.
“ANNOUNCEMENT:
Here are the details for the public viewing of Mercy Sunot's wake:
DECEMBER 10, 2024
9:00AM - 9:00PM
ADDRESS:
CARMONA'S HAVEN OF PEACE
196 Altarez Rd, Carmona, Cavite
HOLY MASS will be offered at 5:00PM.”
Matatandaang pumanaw si Mercy noong Nobyembre 18, matapos ang pakikipagbuno ng singer sa breast at lung cancer.
KAUGNAY NA BALITA: Mercy Sunot ng Aegis, pumanaw na
Nakilala si Mercy bilang lead vocalist ng bandang Aegis kung saan pinasikat nila ang mga awiting Luha, Halik at Basang-basa sa ulan.
KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang karera ni Mercy Sunot at ang musika ng Aegis
Samantala, isang fan naman ang naglahad ng isang larawan ng umano’y tarpaulin sa labas ng chapel na pinagbuburulan ng yumaong singer kung saan mahigpit daw na ipinagbabawal ang pagkuha ng anumang photo o video footage sa loob ng nasabing chapel.