January 23, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Misis na pagod na sa mister na feeling 'Disney Prince,' inulan ng payo

Misis na pagod na sa mister na feeling 'Disney Prince,' inulan ng payo
Photo courtesy: Freepik

Dinagsa ng iba't ibang payo ang isang anonymous netizen na namomroblema sa kaniyang asawang tila "Disney Prince" daw dahil parang walang ambag sa kanilang binubuong pamilya.

Batay sa post na mababasa sa Facebook page na "PESO SENSE," 37-anyos na ang sender subalit wala silang anak ng kaniyang mister. Ang problema niya, simula raw nang ikasal sila ng kaniyang mister, bilang lang daw sa daliri ang mga pagkakataong inako nito ang pagbabayad sa groceries at pagbabayad ng utility bills. May trabaho naman daw ang mister niya bilang delivery rider, at hawak nito ang oras kung kailan naising magtrabaho.

Hindi na raw keri ni Misis ang katamaran at kawalan ng initiative ni Mister sa ilang mga bagay.

"Quota na ako sa katamaran and kawalang initiative niya. Kapag naubusan ng bigas or LPG, hihintayin pa talaga na ako ang bibili. Like if hindi ako gagawa ng paraan, waley kami sa bahay. Sobrang dependent na niya and it's really giving me stress emotionally and mentally," aniya.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"Ok lang sana ako gumastos sa lahat kung madali din sya mautusan and matic sa mga dapat gawin sa bahay, kaso waley. Walang sense of urgency. Kelangan, time nya masusunod. Ultimo linisin ang cobwebs sa bahay, need pang pagsabihan."

Nakakaramdam na raw ng pagkapagod ang misis at tila nais na niyang kumalas sa kanilang relasyon dahil paulit-ulit na lang daw ang mga concern niya sa mister, na tila hindi na magbabago.

"I got tired na and want to end the year with a blast and kasali sya sa blast na yon. Pagod nako umintindi kahit paulit-ulit kong sinasabi sa kanya how I see things and kung anong dapat gawin niya. Vocal na vocal na ako for the past 4 years sa nararamdaman ko at sa mga gusto kong iimprove niya sa sarili niya. I feel like he doesn't value my feelings and doesn't respect me."

Kaya tanong niya sa mga kapwa netizen, "Are my reasons valid? Kapagod na and I feel like it's no longer healthy for myself na laging naiistress sa kanya."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Di bale na single kaysa magkaroon ng partner na tamad, pabigat... Stress lang ang mapala sa ganyan. Dapat fair, team work!"

"Mas lalo ka ma stress kapag nagka anak kapa, kasi mas madagdagan na gastos mo, bubuhayin mo. At siempre kawawa ang bata kasi malamang ending nyo hiwalayan. Kaya habang wala pang batang madadamay, sige na. Be happy na."

"Baka ang rason dahil wala pang anak..try to talk..heart to heart,UNG kalmado at seryoso.. Then Kung walang magbabago..time for you to run..."

"Yes, your feelings are valid. Kaya nga po tayo nag-aasawa or nahanap ng partner ay para merong 'katuwang' sa buhay, someone dependable at kahit paano ay ka-wavelength natin when it comes to reaching our goals, but if dagdag pasanin at hindi willing mag-grow for you and for themselves, it's not worth all the stress. Life is short, sender."

"Buti na lang wala pa kayong anak baka ultimo pag aalaga sa anak mo, solohin mo at maging single parent style ka kahit may asawa ka. Yung tipong may asawa ka naman pero kargo mo na lahat pati anak."

"Behavior rewarded is a behavior repeated.Walang magbabago! Dahil nkakatulog pdin sya ng mahimbing sa gabi ng katabi ka kahit ganyan ang behavior nya!"

"You deserve what you tolerate. You let him skate by while you’re the one stressing about everything."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 1.1k reactions, 58 shares, at 495 comments ang nabanggit na post.

Ikaw Ka-Balita, anong maipapayo mo sa misis?

---
Nais mo bang mai-feature ang iyong istorya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at X!