December 26, 2024

Home BALITA National

Maza sa maritime drill ng PH, US, Japan sa WPS: ‘Mas lalo tayong nalalagay sa alanganin!’

Maza sa maritime drill ng PH, US, Japan sa WPS: ‘Mas lalo tayong nalalagay sa alanganin!’
Courtesy: Makabayan President Liza Maza/FB

Kinondena ni Makabayan President at dating Gabriela Party-list Rep. Liza Maza ang isinagawang multilateral maritime exercise ng Pilipinas kasama ang military forces ng United States (US) at Japan sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang noong Biyernes, Disyembre 6, nang ilunsad ng pinagsamang defense forces ng Pilipinas, US at Japan ang ikalimang multilateral maritime exercise sa WPS.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan, ipinakikita ng naturang aktibidad ang “commitment” ng tatlong bansa na palakasin ang "regional at international cooperation” bilang suporta raw sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific.

Sa isa namang pahayag nitong Lunes, Disyembre 9, iginiit ni Maza na sa halip na isulong ang “regional stability,” pinalalala lamang umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pabago-bagong sitwasyon sa WPS sa gitna ng patuloy ng girian sa China.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

"Instead of promoting stability, the intervention and presence of foreign troops in our territory with an agenda against China provokes more tension in the region. Mas lalo tayong nalalagay sa alanganin," giit ni Maza. 

"Marcos's flawed foreign policy that is subservient to the US imperialist agenda and dependent on its patronage escalates the tension with China. Our neocolonial ties with the US that Marcos perpetuate creates greater volatility, uncertainty, complexity, and ambiguity in the region. It seriously risks the country's national security, sovereignty, and territorial integrity," dagdag pa niya.

Ayon pa sa pangulo ng Makabayan, dapat umanong pagtuunan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng “sincere dialogue” kasama ang China upang huwag umanong lumala ang sitwasyon sa WPS.

"What is urgent now is to de-escalate the situation with China by demilitarizing the West Philippine Sea and allowing space for sincere dialogue based on mutual respect and common interests. Turning our lands and waters as military bases and staging grounds for the US forces and their allies like Japan does not allow this with the ongoing US-China great power competition," pagbibigay-diin ni Maza.

"Unahin natin ang interes ng Pilipino. Wala sa interes natin ang panghihimasok ng US," saad pa niya.

Sinabi rin ni Maza na kapag nahalal siya bilang senador ay isa sa mga isusulong niya ang “independent foreign policy” ng bansa.

Kasama si Maza sa 11 senatorial bet ng Makabayan Coalition para sa 2025 midterm elections.

KAUGNAY NA BALITA: 11 senatorial aspirants ng Makabayan, nangakong lalabanan ‘political dynasties'