Trending sa X ang content creator na si Christian Antolin matapos ang naging panonoplak ng kapwa content creator na si "Davao Conyo o Phillip Te Hernandez sa isang netizen na humirit sa kaniyang gawan ng content ang "cheating issue" na kinasasangkutan ng Kapamilya actress na si Maris Racal.
Naihambing kasi ng mga netizen ang dalawang content creator, dahil si Christian ay gumawa ng parody videos patungkol kay Maris, lalo na ang inilabas na apology video ng ABS-CBN News.
Si Davao Conyo naman, sa halip na pagbigyan ang hiling ng netizen, ay sinagot ito at itinuwid.
"Make entry for Maris Issue please. Hahahah. Looking forward ," request ng netizen sa kaniya.
Pero sa halip na pagbigyan ay nasermunan tuloy ni Davao Conyo ang nabanggit na netizen.
"Ante hindi maganda yang pinagtatawanan ang may pinagdadaanan. Sana di mo ma experience ," pahayag ni Davao Conyo na mababasa sa kaniyang Instagram story.
"Making fun of others for the sake of quick views is one of the lowest form of content. It’s lazy and malicious."
“Gets ko when me make things lighter through humor, or when we make other people accountable of their actions especially people in power. [But] when it’s specifically targeted towards someone who made a mistake (and mind you, we all do!) it’s off-putting. Shaming a mistake is different from shaming an evil person,” pagpapatuloy pa niya.
“[These] type of people who take advantage of other people’s shame will do the same to you if you were in the same situation, so be very careful around them,” pagtatapos ng social media personality.
Dahil dito, agad na nag-trending ang pangalan ni Christian sa X. Sinita rin ng ilang netizens ang social media personality sa comment section ng kaniyang content videos.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, mula sa iba't ibang X posts at comment section ng kaniyang videos.
"Never akong natawa kay christian antolin. Actually i dont really watch him. Dumadaan lang sa feed ko pero seconds lang then lipat. Unlike kay davao conyo, binibisita ko talaga minsan timeline niya to rewatch vids. Matalino, magaling. May sense. Not cheap humor."
"I used to like christian antolin before pero now... nakaka dissapoint ka..."
"Christian Antolin, hello?? Di na nahiya. Exploiting Maris' scandal so he can gain views for his platforms, turning her into a laughingstock EVEN MORE. I really can't understand people like that, ang cheap lang na Maris is at her lowest and he's turning it into a CONTENT. I can't."
"In situations like these, you can clearly recognize people with genuine intelligence, high EQ, and class...not just someone pretending to be smart while desperately chasing clout."
"Kita mo talaga pagkakaiba ng mindset ng dalawa."
Sa kabilang banda, marami rin naman ang nagtanggol kay Christian at sinabing kung maninita rin lang, dapat daw lahat ng content creators na nakisakay sa isyu ay dapat ding sitahin at hindi lamang siya. Isa pa raw, eversince daw ay ganito na raw talaga ang branding ni Christian.
"kitang kita‚ may sense of humor si chris tapos ‘yang si davao conyo dinedepensahan si maris kasi magkakakilala sila since sa davao pa"
"Why just focus on Christian Antolin though? Daming content creators in different platforms ang ginawang content yung issue. They all should be called out!"
"Pero kahit ganyan yang si Christian Antolin, tawang tawa ako sa gagang yan."
"Brand na po yun ni Christian Antolin na lahat ng recent happening sa soc med, may spoof sya mapa-DDS, BBM at Leni supporters pa yan. Ang sabihin nyo, napaka selective nyo lang, I doubt if same stand din kayo pag GMA artist ang involved."
"Bakit n'yo inaatake si Christian, parang di naman kayo napasaya ng tao minsan sa buhay n'yo?
Kung babalikan naman ang sinabi ni Davao Conyo, wala siyang sinita o binanggit na partikular na pangalan ng content creator.
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Christian tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.
MAKI-BALITA: Davao Conyo, trending sa X: 'Di maganda 'yang pinagtatawanan ang may pinagdadaanan!'