December 12, 2024

Home FEATURES Tourism

Holiday season sa Rizal? Sagot ka na ng Masungi Georeserve

Holiday season sa Rizal? Sagot ka na ng Masungi Georeserve
Photo courtesy: Masungi Georeserve/Facebook

May kakaibang trip na hatid ang Masungi Georeserve para sa mga naghahanap ng kakaibang experience ngayong holiday season. 

Literal na mapapa-disconnect ka talaga sa halos isang taon mong stress at pagod, dahil sa nature and astronomical approach na pakulo ng Masungi Georeserve na bukas para sa mga nagbabalak mag-soul searching or spend the nights with family and barkada. 

“Celestial Nights: A Christmas Special”

Tinawag ng Masungi Georeserve ang kanilang programa ngayong holiday season na “Celestial Nights: A Christmas Special,” dahil literal na magiging special daw kasi ang experience kung saan pinagsama nila ang adventure, picnic, stargazing na may holiday flavor.

Tourism

₱88 seat sale ngayong 12.12, handog ng isang airline!

Magsisimula ang nasabing aktibidad ng Masungi, sa isang 30-minute hike patungo sa tuktok ng “Nanay,” ang ikalawang highest trail sa lugar. Matapos ang pag-akyat sa nasabing trail, nag-aabang sa hikers ang isang mainit na tsokolate na maaaring isabay sa puto bumbong at bibingka. Isang salusalo rin sa dahon ng saging ang sasalubong sa mga bisita.

Ayon sa Masungi Georeserve, tugma ang peak ng rock formation ng Nanay upang mag-stargazing ang mga bisita kasama ang mga eksperto mula sa Philippine Astronomical Society. 

Reservation Dates

Tumatanggap ng bisita ang Masungi Georeserve para sa nasabing Celestial Nights, mula Huwebes hanggang Linggo. Nagsimula na ito noong Disyembre 6,7 at 8, ngunit maaari ka pang humabol dahil bukas ang naturang aktibidad hanggang Enero 2025. 

First-come-first-serve basis ang reservation ng slot para sa Celestial Nights, kaya naman narito pa ang ilan sa mga araw na maaari mong paglian:

Disyembre 12,13,14,15

Disyembre 19, 20, 21, 22

Disyembre 27 at 28 

Enero 3, 4, 5

Conservation Fee

Upang makatulong sa conservation ng Masungi, may ₱3,000 conservation fee per guest ang kinakailangang bayaran, habang mas mura naman ng ₱2,800 ang bayad per guest kapag kayo naman ay isang grupong binubuo ng apat na miyembro pataas. 

Oh ‘di ba? Hindi na lang coffee ang maaari mong ilagay sa bucketlist mo ngayong holiday season kung magagawi ka sa Rizal!