December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Emilienne may alam daw tungkol sa nangyari kina Joshua, Elisse; rumesbak din kaya?

Emilienne may alam daw tungkol sa nangyari kina Joshua, Elisse; rumesbak din kaya?
Photo Courtesy: Emilienne Vigier, Joshua Garcia, Elisse Joson (IG)

Hindi raw lingid sa kaalaman ng Filipina-French athlete na si Emilienne Vigier ang nangyari sa pagitan ng rumored boyfriend niyang si Joshua Garcia at ni Elisse Joson.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Disyembre 8, inusisa ni Dyosa Pockoh si showbiz insider Ogie Diaz kung anong reaksiyon ni Emilienne sa umano’y pagmo-MOMOL ng dalawang Kapamilya artists sa Star Magical Christmas.

“Alam mo, aware dito ‘yong girl. Kumbaga, pilit inaayos ito ng girl naman. So, baligtad ‘no? ‘Yong kina Jamela, Anthony, at Maris, ito naman kay Joshua pilit inaayos ng girl,” saad ni Ogie.

“Sana hindi umabot sa pisikalan ‘pag nagkita si Joshua at si McCoy De Leon. Anyway, aabangan natin ‘yang mga kaganapan dyan,” wika niya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Dagdag pa ng showbiz insider, “Basta ang importante maisip ng mga taong involved sa isyung ito na malapit na ang Pasko. At sana ay kahit man lang this year magkaayos sila.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Joshua o Elisse hinggil sa intrigang umaaligid sa kaniya.

Kaya naman hindi nakapagtatakang matapos itong itsika ni Ogie ay inurirat sila ng mga netizen para kumpirmahin o pabulaanan ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: Joshua, Elisse inurirat ng netizens tungkol sa pagmo-MOMOL nila