Mula sa Alert Level 2 (increasing unrest), itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes, Disyembre 9, ang status ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa Alert Level 3 (magmatic unrest).
Inanunsyo ito ng Phivolcs ilang sandali matapos nitong iulat ang pagputok ng bulkan nitong Lunes, dakong 3:03 ng hapon.
“An explosive eruption occurred at the summit vent of Kanlaon Volcano at 3:03 PM today, 9 December 2024. The eruption produced a voluminous plume that rapidly rose to 3,000 meters above the vent and drifted west-southwest. Pyroclastic density currents or PDCs descended the slopes on the general southeastern edifice based on IP and thermal camera monitors,” anang Phivolcs.
“This means magmatic eruption has begun that may progress to further explosive eruptions,” dagdag nito.
Inabisuhan na rin ng ahensya ang lahat ng local government units (LGUs) na lumikas sa 6 kilometrong radius mula sa summit ng bulkan at maghanda ng karagdagang paglikas kung kinakailangan.