December 12, 2024

Home BALITA National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

“Pwede nating sabihin na non-existent…”

Sa 677 umano’y benepisyaryo ng confidential funds ng Department of Education (DepEd), panahon kung kailan si Vice President Sara Duterte ang kalihim, 405 ang walang record of birth ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Matatandaang kamakailan lamang ay sumulat si Chua sa PSA upang matulungan silang maiberipika ang 677 indibidwal nasa listahan daw bilang benepisyaryo ng confidential funds ng DepEd noong si Duterte pa ang kalihim nito.

Kaugnay nito, sa pagdinig ng komite nitong Lunes, Disyembre 9, isiniwalat ito ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairperson Rep. Joel Chua na tumugon na ang PSA sa kaniyang sulat nitong Linggo, Disyembre 8.

National

PBBM nagbabala kontra POGO, IGL: ‘Di na kailanman papayagang manalasa ang mga ito!’

"Kanila pong sinasabi na out of 677 individuals, 405 ay walang birth certificate,” ani Chua.

“Pwede nating sabihin na non-existent," saad pa niya.

Matatandaang nauna nang isiniwalat ng PSA na wala silang kahit anong record para sa isang personalidad na “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin” na nakipagtransaksyon umano sa opisina ni Duterte.

MAKI-BALITA: ‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

MAKI-BALITA: 'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

Samantala, ngayong Lunes na tatapusin na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdinig nito hinggil sa naturang umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Duterte dahil posible na raw nilang iproseso ang inihaing impeachment complaints laban sa bise.

MAKI-BALITA: Pagdinig ng Kamara sa confidential funds ni VP Sara, tatapusin na ngayong Lunes