Nagpaabot ng kaniyang pakikiisa si Vice President Sara Duterte sa mga Katolikong Pilipino na ipinagdiriwang ang Pista ng Imaculada Concepcion.
Sa isang video statement ni Duterte nitong Linggo, Disyembre 8, hinimok niyang isabuhay ng bawat isa ang mga katangiang mayroon si Maria.
“We are encouraged today to live up to her virtues of compassion, empathy, and generosity which underscored the resilience she exemplified in the face of loss and sorrow,” saad ni Duterte.
“May the solemn observance of this day invite us all to join hands in prayer as we extend a helping hand to the needy, show mercy to those who are facing injustices, and extend love and kindness to our kababayan in the underserved and unserved communities,” wika niya.
Dagdag pa ng bise-presidente, “Let us be guided by our resilience that is rooted in faith in every trying time as we look forward with profound hope and optimism to a better future for every Filipino.
Sa huli, hiniling ni Duterte ang isang mapagpalang pagtalima sa pista ng Imaculada.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit ipinagdiriwang ang Imaculada Concepcion?