Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang paalala ng Philippine Weather System/Pacific Storm Update sa pagpasok ng influenza at Respiratory Syncytial Virus (RSV) season dahil sa malamig na panahon ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon sa kanilang Facebook post noong Disyembre 6, huwag daw halikan ng mga tao ang mga sanggol o baby na hindi sa kanila upang hindi magkahawahan.
"It’s Flu and Respiratory Syncytial Virus (RSV) season. DO NOT kiss babies that aren’t yours," anila.
Ilang mga netizen ang sumang-ayon dito, lalo na ang mga magulang. Mahirap daw kasi kapag nagkasakit ang mga sanggol lalo na sa panahong ito. Marami kasi na idinadaan sa kiss ang admirasyon sa mga baby kapag naku-cutan sila sa mga ito.
"ganyan nangyari s baby q 5weeks p lng xa kaya now nandto kmi saint lukes ospital grabe nkakaawa kc liit p nya."
"Yung baby ko nagka-rashes dahil kahahalik ng papa niya, may balbas kasi."
"Hay nku, gnun nman tlaga dahil parating n ang tag lamig maraming mgkasakit s pabago bagong clima. Andyan ang ubo at sipon.. Lagnat.."
"My kids are having symptoms by now."
"Our mind is so powerful to create and manifest something especially when the combined thoughts of the people are focusing, anticipating and expecting something to happen. The bad guys know that. That's the power of manifestation. So think positive."
Pero ang ibang netizen naman, mukhang iba ang pagpapakahulugan dito lalo't sumabay ang anunsyo sa "cheating issue" nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.
"Oh Maris Racal, bawal daw ang baby kisses hahaha."
"kanya kanya tayong baby"
"Huwag halikan ang baby ng iba hahahaha."
"I'll touch myself nalang hahaha."
"Wag din halikan ang di jowa o asawa"
"And never kiss their mothers that aren't your wife!"
"Kasalanan ni Maris at Anthony yan."