December 23, 2024

Home BALITA Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria
Photo Courtesy: DFA (FB), via MB

Naglabas ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa nangyayaring kaguluhan sa Syria.

Sa Facebook post ng DFA nitong Linggo, Disyembre 8,nanawagan silang itigil ang karahasan upang maiwasang madamay ang ibang sibilyan.

“The Philippines calls on all concerned parties to exercise restraint and refrain from further violence, to avert further casualties and deaths of civilians,” saad ng DFA

Dagdag pa nila, “We express concern regarding the situation of our Filipinos in Syria and advise them to take the necessary precautions and stay in contact with Philippine Embassy in Damascus.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa kasalukuyan, patuloy umanong binabantayan ng ahensya ang lagay ng sitwasyon sa naturang bansa.

Matatandaang naiulat kamakailan ang pagtakas ng presidente ng Syria na si Bashar al-Assad matapos umanong mapasakamay ng mga rebeldeng grupo ang Damascus.