January 22, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Bakit ipinagdiriwang ang Imaculada Concepcion?

ALAMIN: Bakit ipinagdiriwang ang Imaculada Concepcion?
Photo Courtesy: via MB

Bago sumapit ang araw ng kapanganakan ni Jesu-Cristo sang-ayon sa paniniwala ng mga Kristiyano, ipinagdiriwang muna ng mga Katoliko ang pista ng Imaculada Concepcion. 

Ayon sa mga tala at ulat, ang Disyembre 8 umano ang araw kung kailan binasbasan at nilinis ng Diyos ang orihinal na kasalanan ni Maria na kalaunan ay magiging ina ni Jesus sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Bagama’t walang detalyeng nakasaad sa Bibliya tungkol sa kapistahang ito, pinaniniwalaang nagsimulang tanggapin ito ng simbahan nang kilalanin nila ang kabanalan ni Maria.

Sa Pilipinas naging malaganap ang pangalan ni Maria sa pagdating ng mga mananakop na Kastila na dinala ang impluwensiya ng Katolisismo sa kapuluan. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kaya naman hindi nakapagtataka na noong 1942 ay idineklara ni Pope Pius XII si Maria bilang opisyal na patrona ng mga Katolikong Pilipino sang-ayon na rin sa hiling ng mga obispo sa bansa. 

Pero bakit nga ba ipinagdiriwang ang pista ng Imaculada Concepcion?

Sa isang panayam ng ABS-CBN News kay Father Joey Enriquez, sinabi nito kung bakit mahalagang kilalanin ng mundo ang pag-iral ng Birheng Maria.

“Si Maria ay hindi lamang bilang ina ni Jesus. Kung hindi dahil sa pagtanggap niya sa kagustuhan at kalooban ng Diyos, wala si Jesus sa buhay natin,” aniya.

Kung gayon, masasabing ang araw na ito—Disyembre 8—ay hindi lang basta pagkilala sa kabanalan ni Maria kundi isa ring pag-alala sa pagsasantabi sa kaniyang mga personal na kagustuhan bilang tao matupad lang ang katubusan ng sanlibutan.