January 22, 2025

Home BALITA

Proseso ng impeachment kay VP Sara, posibleng magahol sa oras?

Proseso ng impeachment kay VP Sara, posibleng magahol sa oras?
Photo courtesy: House of Representatives/Facebook

Nakaambang maipit ng paparating na 2025 midterm elections ang pag-usad ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. 

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 6, 2024, nasasaad Konstitusyon at ng House Rules na kinakailangan daw na 1/3 mula sa kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara ang pirmado sa impeachment resolution bago ito maiakyat at isumite sa Senado. 

Kung sakali raw na mabigong makakuha ng mahigit sa 100 pirma ang nasabing impeachment case, mapupwersa itong dumaan muna sa House Committee on Justice, kung saan aabutin ito ng halos 60 session days.

Ayon kay House Committee on Justice Vice Chairperson Rep. Gerville Luistro, maaari umanong kulangin sa oras ang nasabing impeachment kapag dumaan pa ito sa kanilang komite. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kung normal route, hearing sa Committee on Justice, I believe na kulang na ang panahon,” ani Luistro. 

Ipinaliwanag din ni Luistro ang maaaring mangyari kapag nakakalap ng tinayang bilang na susuporta sa nasabing impeachment case. Maaari na raw kasing maiakyat ito sa Senado sa susunod na buwan ng Enero at umusad ang pagdinig sa mga susunod na buwan nang hindi magiging dikit sa buwan ng eleksyon sa Mayo. 

“When it is filed and endorsed at the onset by one-third of the members. If this is the route that we will be taking, it is possible that we do away with the hearing in the Committee on Justice. So we will shorten the process in the Congress. And given that scenario, puwedeng by January, i-endorse na natin sa Senate. So they still have February, March, and April to hold the impeachment trial,” anang Committee chairman. 

Muli rin niyang binanggit na kung sakali namang mabigo na sumuporta ang mahigit 100 mambabatas sa impeachment resolution, kukulangin na raw ang pagdinig dito hanggang eleksyon.

“Pero if we will not be taking this route, and we will be taking the regular route na magkakaroon pa ng hearing sa Committee on Justice, the period before election might not be enough to conclude the impeachment trial,” saad ni Luistro.

Samantala, ayon naman sa Makabayan bloc, sinimulan na raw nilang ibahagi sa isang group chat kasama ang ilang mambabatas ang kopya ng impeachment complaint na kanilang inendorso kamakailan, upang makakalap daw sila ng nasa 106 na suporta sa mga kapuwa mambabatas. 

KAUGNAY NA BALITA: Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

KAUGNAY NA BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!

Tinawag naman ni House Committee on Justice Vice Chairperson Rep. Jonathan Keith Flores na “challenging” ang nasabing impeachment case kapag nabigo ang Makabayan bloc na makakalap ng sapat na suporta. 

“Kung walang referral by a one-third vote, parang medyo ipit talaga sa panahon, kung dadaan pa sa Committee on Justice. Not impossible, but challenging, because of the requirements na kailangan pang mag-answer.And if there is a need to ask questions and clarify things, may hearings pa yan na i-conduct si Committee on Justice,” ani Flores.