"Wala akong pinagkaiba sa tatay kong sabungero. I did not break the cycle I created one for myself."
Ito ang saad ng 26-anyos na lalaki nang ibinahagi niya kung paano siya nalulong sa sugal at nakapagpatalo ng ₱800,000, na dalawang taon daw niyang inipon.
Sa online community na Reddit, ibinahagi ng lalaki na isang taon siyang nalulong sa sugal.
Kuwento niya, nanalo siya ng tinatayang nasa ₱1.8 milyon noong sunod-sunod ang panalo niya. Tumataya raw siya sa baccarat, color game, black jack, slots, at mga online sugal.
Sa ₱1.8 milyon na napanalunan, wala raw siyang nagamit doon para sa sarili. Tinago pa nga raw niya ito sa bangko para sana pambili ng sasakyan pero nagamit din ito sa pagtaya.
"Dumating yung oras na tumaya ako ng ₱20K sa baccarat, Talo dinoble ko. ₱40K. Talo ulit. Triniple ko. ₱120K? TALO NANAMAN. Nanlamig ako na parang masusuka. Sabi ko sa sarili ko. TALO LANG NAMAN YAN mababawi ko din," anang lalaki.
"Kinabukasan nanalo ng 200k sa paglalaro ng color game. Tinago. The next day natalo ng 350k. Sabi ko next week babawi ako dahil may pasok sa trabaho. This cycle happened. There was a time na 200 lang ang puhunan ko napaabot ko ng ₱230K. YES. ₱230K SA 200 PESOS," kuwento pa niya.
Maging ang huling ₱40,000 at ₱20,000 na utang sa credit card ay itinaya pa niya pero hindi siya pinalad na manalo.
"Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napaupo na lang ako sa sahig. Tumingin sa kisame. Ubos na lahat ng savings ko... May utang pa akong ₱20K. Wala akong napag gamitan ng ₱1.8 Million. Even my ₱800K savings are now gone," saad ng lalaki na tila nagsisisi.
Sa huling bahagi ng post niya sinabi niyang wala raw siyang ipinagkaiba sa tatay niyang sabungero.
"I'm living frugally for the last 2 years just to see my money evaporate. Wala akong pinagkaiba sa tatay kong sabungero. I did not break the cycle I created one for myself. Napakabasura ko.
"THE CURSE OF WINNING. I HAVE NO ONE TO BLAME BUT MYSELF."
Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa Reddit users ang naturang post. Marami ang tila nakaka-relate sa pinagdaanan ng lalaki.
"Maraming magsasabi kung magkano napanalo nila. Pero walang aamin sa kung magkano natalo nila + mga asawa at anak na nadamay. Sorry to hear about your story OP, pero thank you for sharing your story to spread awareness."
"Di pa huli na magbago, mababawi mo rin yang buhay mo alam mo na gagawin mo. Unahin mo na stop chasing the thrill. Maghanap ka ng ibang source ng excitement at dopamine kase yan ang sisira ng buhay mo, yang instant gratification."
"It's a cycle and ung feeling kasi ng nananalo nakaka hype na feel mo kaya mo uli manalo sa susunod, pero pag natalo naman you will get ung gigil na gusto mo bumawi hanggang wala ka na pera."
"The good thing narealize mo agad ito! you are aware of the problem so you'll know what you have to stop doing.you managed to save 800k before, maiipon mo din ulit yun as long as you stop gambling na."
Samantala, kaugnay nito, matatandaang matapang na ibinahagi ng transwoman beauty queen na si Lars Pacheco ang kaniyang pinagdaanan sa pagkagumon niya sa bisyo ng iba't ibang online gambling na masasagawa na sa pamamagitan ng nada-download na applications o apps sa cellphone.
BASAHIN: Lars Pacheco naadik sa online sugal, nalustayan ng ₱5M